Viral! Amo, Personal Na Hinanap Ang Kanyang Empleyado Para Iabot Ang Sahod At 13th Month Pay


Loading...


Sa dami ng mga empleyado na naapektuhan at pansamantalang natigil ang kanilang mga trabaho dahil sa ipinatutupad na quarantine, malaking bagay rin ang tulong pinansyal sa kanila ng bawat kumpanya. Halimbawa na lang ang pagbibigay ng cash assistance, natirang sweldo at 13th month pay.

Katulad na lamang ng isang amo na hinanap pa mismo ang kanyang empleyado upang personal na iabot sa kanya ang kanyang natitirang sahod at advanced na 13th month pay.

Ayon sa Facebook post ng naturang amo na si James Voltaire Carson, ibinahagi niya kung paano niya natunton ang kanyang empleyado sa gitna ng quarantine.

 

Wika niya.

"Siya si Noel kung tawagin namin ay Bay. I hired him 2 years ago as a utility man. Nakakamiss pag absent siya kasi makalat sa ground floor pag wala siya. Since March 17, nung nag stop kami ng operations dahil sa EQC ay hindi ko na siya nakita."
Loading...
Aniya, hindi na raw nito nakuha ang kanyang sweldo at noong nag-release sila ng advance 13th month pay ay hindi pa rin ito nadalo sa opisina upang kuhanin ang kanyang pera. Wika ni Carson na medyo nag-alala na raw siya dahil baka wala talagang masakyan ang kanyang empleyado upang makabyahe lalo na't taga probinsya ito.

Wala rin daw siyang cellphone, kaya't kahit gusto man ni Carson na tawagan ay hindi niya ito makontak. Kaya naman nagpasya na lamang siya na hanapin ang bahay nito sa isang barangay sa San Pedro, Laguna kahit na malayo at liblib ay pinagsikapan pa rin niya itong mahanap.

 
  "Gamit ang aking angkas costume ay nahanap ko ang bahay niya. Tuwang tuwa siya at siyempre ako din kasi nakita kong maayos naman pala ang kalagayan niya at naibigay ko personally ang sweldo at prorated 13th month pay niya."

Hinangaan naman ang ginawa ni Carson at kung talagang gusto mo ay gagawa at gagawa ka talaga ng paraan.


Source: Facebook
Loading...
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
{SOURCE}

Visit and follow our website: PINOYCENTRALBALITAPH
© Pinoy Central Balita PH
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of pinoycentralbalitaph.blogspot.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...

2 comments:

  1. SANA LAHAT NG EMPLOYERS GANYAN

    ReplyDelete
  2. sana lahat po na employer ay kagaya mo sir.i'm proud of you sir.god bless you always.

    ReplyDelete

Powered by Blogger.